Nakatiwangwang na lupa ilaan sa pabahay – Solon

INUDYUKAN ngayon ng isang mambabatas ang administrasyong Aquino na ipagamit na lamang sa mga mahihirap ang mga nakatiwangwang at hindi ginagamit na mga lupain ng gobyerno.

Sinabi ni LPG Marketers Association (LPG-MA) party list Rep. Arnel Ty na dapat ng magsagawa ng inventory ang national government sa lahat ng non-performing real properties at pag aaralan kung ang mga ito ay maaaring gawing bahay para sa mga mahihirap sa murang halaga.

Panahon na rin, aniya, upang madaliin ng gobyerno ang paglalatag ng malinaw na estratehiya para sa pag-develop sa mga assets ng community housing at humingi ng tulong sa Kongreso upang suportahan ito sa pamamagitan ng paghingi ng pondo.

Kabilang umano sa mga maaring gawing murang bahay ay ang mga hindi ginagamit na government warehouses at office buildings kabilang na ang mga nasira ng sunog,baha, landslides at iba pang disasters na maaaring pangasiwaan ng national shelter agencies o katulong ang provincial, city at municial governments.

Isama rin, aniya, ang mga real estate na ipinasara o kinuha ng iba pang government financial institution na nananatiling walang gumagamit na umanoy kalamitang mayroon ganitong mga ari-arian ang Land Bank of the PHilippines, Development Bank of the PHilippines at Philippine Deposit Insurance Corp.

Idinagdag pa ni Ty, na umaabot sa 580,000 na informal settlers kabilang na dito ang 105,000 pamilya ang nakatira sa ilalim ng mga tulay sa paligid ng airports na maituturing na isang high risk zones base sa National Housing Authority (NHA).

Sa kasalukuyan umano ang Kongreso ay mayroong earmarked na P7 bilyon para sa public housing ngayong taon kabilang na ang extra na P1.3 bilyon para sa resettlement project ng NHA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply