Nanulot, pusher itinumba ng kapwa pusher

UTAS agad ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa tapat ng kanyang bahay ng hinihinalang drug pusher matapos magalit ang huli sa una sa panunulot umano nito ng parokyano Huwebes ng gabi (June 7) sa Caloocan City.

Dead on spot si Michael Cartilla, 33, ng Brgy. 35 May Pajo, sa pinangyarihan sanhi ng apat na tama ng 9mm caliber, isa sa ulo at tatlo sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang salarin na nakilala sa alyas na Gomer, ng  Fishpond. Brgy. 35  Caloocan.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:00 ng gabi ng maganap insidente sa tapat ng bahay ng nasawi..

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng text message ang kinakasama ng nasawi na si Connie Macalino mula kay Gomer (suspek) na pagbabanta matapos kumpitensyahin ang pagiging pusher sa kanilang lugar.

Nasa loob ng bahay ang mag asawa nang may pasweet o sotsot mula sa labas at ng alamin ng biktima bigla na lamang sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at dito na nakita nakabulagta na si Michael na wala ng buhay.

Nakarekober ang mga otoridad sa pinangyarihan ng isang sachet ng shabu at P400 cash na hawak pa ng nasawi, habang apat namang empty shell ng 9mm caliber na ginamit sa krimen.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung may katotohanan ang sinasabing si Gomer ay kilabot na drug pusher sa nasabing lugar.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply