Napagalitan, dalagita nilason ang sarili

DINAMDAM umano ng isang 18 anyos na dalagita ang panenermon sa kanya ng kanyang tiyahin dahil sa pagtatambay nito ng dis oras ng gabi sa labas kaya nito nagawang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paglagok ng silver cleaner kaninang madaling araw sa Sta.Ana, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Necalyn Capili ng 2368 Pasig Line St., Sta Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Anthony Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:40 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na pinagalitan umano ng tiyahin ang biktima nang makita itong nasa labas pa ng bahay  sa dis-oras ng madaling araw kasama ilang grupo ng kababaihan kaya pinauwi at pinagalitan ng una.

Napansin umano ni Evelyn, nanay ni Necalyn, ang biktima na tila groggy ngunit inisip lamang na lasing ito subalit huli na ang lahat nang makitang patay na ang biktima at nakuha sa kanyang kamay ang bote ng silver cleaner na ininum nito.

Hindi naman na hinayaan ng pamilya ng biktima na imbestigahan pa   ang insidente  dahil naniniwala silang walang naganap na foul play.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply