Napakalaking insulto sa nag-iisang Superstar: Nora, Direk Brilliante Mendoza ligwak sa MMFF

KAHIT pasok sa Metro Manila Film Festival 2012 ang “El Presidente” ay hindi naman ito movie talaga ni Nora Aunor kundi pelikula ni Laguna Gov. ER Ejercito. Ang talagang solo movie ng phenomenal actress ay ang Thy Womb o Sa Iyo’ng Sinapupunan, na dinerek ni Brilliante Mendoza.

Grabe! Kung ipagmalaki ng nasabing direktor ang project nilang ito ng nag-iisang Superstar kaya so depressing naman na hindi sila napasama sa MMFF. Itinuturing pa namang si Direk Brilliante na ang makabagong Lino Brocka ng ating panahon at kinilala talaga ng Cannes Film festival ang husay at galing sa pagdidirek, tapos ganito lang ang nangyari. Inisnab ng committee ng Metro Manila Film Festival ang kanyang obra. At si Nora, nawawala na ba ang respeto sa kanya ng industriya at nililigwak na ang entry niya sa nasabing taunang festival?

Samantalang before noong kanyang kasikatan, titulo pa lang ng movie niya ang sina-submit sa MMFF ay pasok na pasok na kaagad sa mga official entries. ‘Yan ang showbiz, malupit at gamitan gyud!

***

Claire dela Fuente may aLagang pamangkin sa Hollywood

MALIBAN sa mga alagang sina Sam Pinto, Bela Padilla, Yam Concepcion, Meg Imperial Leroy dela Fuente at marami pang iba, may talent rin si Ms. Claire na unti-unti nang nakikilala sa Hollywood. Actually, pamangkin niya ito and I’m referring to Jason Farol na ka-join ngayon sa sikat na Reality Talent Search na “Duets” na napanonood sa ABC Channel sa US, ganon na rin sa TFC at GMA Pinoy TV.

At huwag isnabin, dahil ang International Diva at American Idol winner lang naman na si Kelly Clarkson ang ka-duweto sa contest na ito ni Jason at maging proud tayo sa nephew ni Ms. Claire dahil hanggang ngayon ay napanonood pa rin sila ni Kelly at patuloy na nakikipagtagisan sa galing sa pagkanta sa mga natitirang kapuwa contestants.

At base sa feedbacks na aming naririnig, malakas ang laban ng dalawa at baka sila pa ang tanghaling champion sa Grand Finals. Pagkatapos ng contest, manalo man o matalo ay may career na sa Amerika si Jason at siyempre isa sa natutuwa ay ang kanyang Tita Claire na todo-todo ang suportang ibinibigay sa kanya rito sa Pinas. Yes, ganyan kasipag si Ms. Claire gaano man siya ka-busy sa kanyang resto business at iba pang negosyo, ‘di siya napapagod na mag-text brigade para panoorin si Jason at Kelly sa Duets.

Ang suwerte-suwerte mo talaga kapag siya ang naging manager mo. Korak gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply