Natakot, humingi ng sorry: Mr. Fu sasabunutan ni Annabelle!

TODO paliwanag si Mr. Fu sa pag-aalburuto ni Ruffa Gutierrez dahil siya yung bumulong-bulong sa una ng mga kabalahuraang tanong sa partikular na segment ng Paparazzi. Hindi naman daw niya direktang tinanong ng kabastusan ang co-host. Alam na raw ni Ruffa kung ano ang tinutumbok n’ya.

“Ruffa, una sa lahat, sorry pa rin if you got offended.

“Wala akong intensiyon na sirain ang birthday niya o intensiyon ang buong show na laglagin siya.

“Sana lang maayos lahat and happy birthday,” paghingi ng paumanhin ng DJ/TV host sa anak ni Annabelle Rama.

Speaking of Ms. Annabelle, hindi naman daw ito galit kay Fu. Sa mga writer daw ng progrma ito naaasar dahil sa kabastusan na pinagsusulat ng mga ito. Kaya huwag mag-alala ang bading na host dahil hindi naman siya tatalakan at sasabunutan ni Bisaya. Hehehe!

***

Paghingi ng sorry ni Cristine ‘di tanggap ni Ara

NAUUSO yata ngayon ang paghingi ng sorry. Pagkatapos ni Mr. Fu, heto naman si Cristine Reyes na humihingi din nang paumanhin sa kanyang kapatid na si Ara Mina.

“I’m sorry and I would like to apologize if ever I offended you, sumama ang loob mo sa akin. I tried my best na pumunta sa iyo, alam mo iyan ate. Sinabi ko pa iyan sa ‘yo na kung gusto mo luluhod ako sa harapan mo.

“Sana lumambot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo, para tahimik na, para sa ikakatahimik ng pamilya natin,” sabi ni Cristine sa The Buzz last Sunday.

Pero sablay pala ang ginawang ito ng bunsong kapatid. Hindi naramdaman ng karamihan lalo na ni Ara ang sinseridad sa ginawa ni Cristine. Wala sa puso. Dapat daw kasi walang kodigo.

“A stiff apology is a second insult…The injured party does not want to be compensated bec he has been wronged; he wants to be healed bec he has been hurt.” -G.K. Chesterton,” sabi ni Mina sa kanyang Twitter account.

Ayan, wag na kasing basahin ang sorry note, i-memorize mo na lang Cristine. Hahaha!

***

MTRCB may go signal na: Batang hinalay ng amain katulong ang nanay ipalalabas na

MAY ‘go signal’ na mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pinakaaabangang pagpapalabas ng kontrobersyal na episode ng “Maalaala Mo Kaya” na tungkol sa isang dalagitang hinalay ng kanyang amain sa tulong ng mismong nanay niya. Nakatakda na itong iere ngayong Sabado (Hunyo 30).

Mula sa unang rating na ‘X,’ nabigyan na ng MTRCB ng rating na ‘SPG’ na o ‘strong parental guidance’ ang mapangahas na ‘Cursed Beauty’ episode na pagbibidahan ng dating “Goin’ Bulilit” child star na si Jane Oineza.

Ang ‘SPG’ rating ay ipinagkaloob sa naturang palabas matapos dumaan sa masusing proseso ng ahensya magmula nang i-postpone ang pag-ere nito noong Hunyo 2.

Bagama’t paulit-ulit nang hinalay na kanyang amain, walang mas sasakit pa para sa 15-anyos na si Nene (Jane) nang minsang ang mismong nanay niya ang tumulong upang maisakatuparan ang masamang balak ng kanyang kinakasama. Paano pa nga ba muling bumangon at mabuhay kung sarili mong ina ang katuwang para mawasak ang iyong pagkababae?

Kasama ni Jane sa “MMK” episode sina Angel Aquino, Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco, at Elaine Quemuel. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.

Tuklasin ang naka-aantig na kuwento ni Nene sa isa na namang heavy drama episode ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Wansapanataym.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply