Navy sinapak ni Colonel

IPINAGHARAP ng reklamo  ang isang umano’y Colonel ng Philippine National Police (PNP) matapos na ireklamo ng isang kagawad ng Philippine Navy (PN) matapos siyang sapakin at tutukan ng baril dahil lamang sa masamng tingin sa Malate, Maynila kaninang  madaling araw (June 3).

Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Weicid Ryan Anas, 29, binata, miembro ng PN) at nakatira sa 311 J. Baybay Tanza, Ili-ilo City upang personal na magreklamo.

Kinilala ang suspek base sa nakitang Identification Card (ID) sa kanyang kotse na isang “Col Tuano”.

Sa report ni SPO1 Jonathan Bautista ng MPD-GAS, dakong 1:45 ng madaling araw nang naganap sa labas ng Cowboy Grill sa Malate, Maynila.

Sa reklamo, nag-iinuman umano ang grupo ng biktima habang sa kabilang mesa ay ang grupo naman ng suspek nang napatingin umano ang biktima sa isa sa grupo ng suspek.

Minasama ng isa sa kasamahan ng suspek ang pagkakatitig sa kanya kaya nilapitan siya kasunod ang suspek kung saan nagpakita ng ID at nagpakilalang Colonel at walang sabi-sabing sinapak ito.

Nang hindi pa nakuntento ang suspek ay lumabas siya at umano’y kinuha ang kanyang baril at tinutukan ang biktima saka umalis ang kayang grupo.

Payo ng imbestigador kay Anas, kunin ang tunany na pangalan ng suspek upang sampahan ito ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply