Nawawalang Comelec witness tinutugis na ng PNP

TINUTUTUKAN na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap sa testigo ng Commission on Elections (Comelec) sa kasong electoral sabotage sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, ginagawa na ng pulisya ang lahat upang mahanap si election officer Russam Mabang na testigo laban sa kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Aminado si Bartolome na may development na rin sa kanilang paghahanap kay Mabang na ayaw muna nitong kumpirmahin hangga’t hindi pa ito nahahanap.

Aniya, ang mahalaga ay may development na sa paghahanap sa nasabing testigo na hindi sakop ng witness protection program (WPP) ng pamahalaan.

Nabatid na maging si Justice Secretary Leila de Lima ay agad na nakipagpulong kay Comelec Chairman Sixto Brillantes upang talakayin ang isyu ng pagkawala ni Mabang.

Matatandaang nabulabog ang Comelec matapos biglang naglaho si Mabang, isang araw bago ang pagharap nito sa witness stand sa Pasay City Regional Trial Court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply