NBA Finals Game 1: Thunder dinaig ang Heat, 105-94

DINAIG ng Oklahoma City Thunder and Miami Heat sa Game 1 ng 2012 NBA Finals, 105-94 na ginanap sa Oklahoma, USA.

Naunang lumamang ang Heat matapos na bumanat si LeBron James ng 14 points sa first half.

Kayod-kalabaw naman sina Kevin Durant at Russell Westbrook pagdating ng third quarter upang masungkit ang panalo at hindi mapahiya sa kanilang home town.

Sa kabuuan ng laro, bumanat si Durant ng 36 points, 8 rebounds habang si Wetbrook ay nag-ambag ng  27 points at 11 rebounds.

Hindi naman umubra ang 30 points ni James para makuha ng Heat ang unang panalo.

Ang Game 2 ay gaganapin pa rin sa Oklahoma City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply