NBA Finals Game 2: Heat wagi kontra sa Thunder, 100-96

KALMADO ang kamay ni LeBron James sa free throw line kaya naman naitakas ng Miami Heat ang 100-96 panalo kontra Oklahoma City Thunder sa Game 2 ng 2011-12 NBA Finals kaninang umaga.

Pumukol ng 12-of-12 sa foul line si three-time NBA MVP James upang tapusin nito ang 32 puntos, walong rebounds at anim na assists.

Sa first canto pa lang ay lumiyab na ang Heat ng ilista ang 27-15 kalamangan at napanatili nila ito hanggang sa pagtatapos ng second period.

Umabot sa 17 puntos ang abante ng Miami subalit natapyasan ito sa dalawa ng magsimulang umatake si Kevin Durant.

Hindi naman nagpabaya si James nang isalpak nito ang dalawang winning free throws may :07 segundo ang nalalabi sa oras.

Tumikada si Dwyane Wade ng 24 points, six boards at five assists upang tulungan ang Heat na itabla ang serye sa 1-1 sa kanilang best-of-seven match.

Nag-ambag din si Shane Battier ng 17 pts. habang si Chris Bosh na ibinalik na sa starting unit ng Heat ay may 16 puntos at 15 boards.

Si Kevin Durant ang nanguna sa opensa ng Thunder na may 32 pts. habang sina Russell Westbrook at James Harden ay bumakas ng tig-27 pts. at 21 pts. ayon sa pagkakasunod.

Samantala, lalaruin ang Games 3 sa Miami.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply