NBA Finals Game 3: King James pinahiyaw ang fans ng Heat

UMIINIT ang Miami Heat sa nagaganap na 2011-12 NBA Finals kaya nakalamang na sila sa kanilang best-of-seven series matapos kaldagin ang Oklahoma City Thunder, 91-85 kaninang umaga.

Sumilab ng 29 puntos, 14 rebounds at tatlong assists si reigning NBA MVP LeBron “King” James upang ilista ang 2-1 bentahe at mapalakas ang tsansang makuha ang minimithing kampeonato.

”It’s very hard,” wika ni three-time NBA MVP James. ”Both teams are very active defensively and both teams make it hard on one another in the half court so when you get stops you try to get early offense, it always helps and we were able to do that a little bit.”

Lumamang ng walong puntos ang Heat, 30-22 matapos isalpak ni Udonis Haslem ang dalawang free throws may 10:16 pa ang natitirang oras sa second canto.

Humabol naman ang Thunder ng magsimulang magpasabit si sixth man of the year James Harden para makatira sa foul throw habang sina Kevin Durant at Russell Westbrook ay umiiskor sa drive.

Natapos ang half time sa score na 47-46 para sa Heat.

Sa third period ay bumigla ang Thunder ng kumana sila ng 14-0 run para makalamang ito ng 10 puntos, 64-54 subalit hindi nawalan ng loob ang Heat at sumagot naman sila ng 15-3 blast para mabawi ng huli ang lamang, 67-69 papasok ng fourth canto.

”It was frustrating,” sabi ni three-time scoring champion Durant. ”Of course we had a good lead and they came back and made some shots. We fouled shooters on the 3-point line twice. It’s a tough break for us, man. You know, I hate sitting on the bench, especially with fouls.”

Nag-ambag si Dwyane Wade ng 25 points at tig pitong rebounds at assists habang si Chris Bosh ay tumikada ng 10 pts. at 11 boards para sa Heat.

Si Durant ang kumamada sa opensa ng Thunder na may 25 puntos at anim na rebounds habang si All-Star guard Westbrooks ay may 19 pts.

Mananatili sa Miami ang laro, (Game 4).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply