NBA Finals Game 4: Heat pinataob ang Thunder, 104-98

MULING pinataob ng Miami Heat ang Oklahoma City Thunder a Game 4 ng 2012 NBA Finals,  104-98, kanina.

Nasayang lamang ang maagang 17-point lead ng Thunder dahil pagsapit ng ng second period ay bumuwelta ang Heat at nahabol hanggang sa tuluyang nakalamang laban sa Thunder. Natapos ang third quarter na apat ang lamang ng Heat.

Nagtamo naman ng injury si LeBron James limang minuto ang nalalabi sa 4th quarter ng laro. Sunod dito ay naitabla ng OKC ang score sa 94-94.

Matapos makapagpahinga, ipinasok muli sa laro si James na may 3 minuto ang natitira. Dito nakabanat siya ng three-points at muling lumamang ang Heat.

Sa kabuaan ng laro, nakapagtala si James ng 26 points, 9 rebounds at 12 assists habang nag-ambag si Dwayne Wade ng 25 points.

Si Russell Westbrook naman ang gumana para sa Thunder na nakapagtala ng 43 points, 7 rebounds at 5 assists.

Sa ngayon may 3-1 lead ang Heat sa serye.

Samantala, hawak pa rin ng Heat ang home-court advantage sa Game 5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply