NCAA Basketball Tournament season 88 lalarga na

SA PAGLARGA ng NCAA Basketball Tournament season 88 sa Smart Araneta Coliseum, sa Sabado, Hunyo 23, ay ipatutupad din ang mas mahigpit na panuntunan ng torneo.

Ito ay upang maiwasan ang gulo sa court at hindi na mangyari ang ilang di kanais-nais na kaganapan sa ilang pre-season tournament na nakaaapekto sa resulta ng laro.

Ipagbabawal na ang panduduro ng player o ng coach, paniniko ng player at pandudura sa kapwa manlalaro.

Awtomatikong technical foul ang ipapataw sa player o coach na makikitang nanduduro habang ang player na maniniko at tatama ang siko sa sa alinmang bahagi ng katawan na lampas sa balikat ay agad ipatatapon sa labas ng court.

Ang sinumang mandudura ay ipatatapon din sa labas ng court at maaaring mapatawan ng mabigat na parusa.

Ang Colegio de San Juan de Letran ang host ng NCAA ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply