NCAA puputok na sa Hunyo 23

PLANTSADO na sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Management committee ang usapan sa meeting tungkol sa eligibility para sa darating na basketball tournament ng ika-88 taon ng liga na itatakda sa  Hunyo 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa isang support staff na hindi na nagpabanggit ng pangalan, walang ineligible players na nakita sa rosters ng  teams maliban sa kaunting problemang aayusin ang ilang schools hinggil sa players na kinukuwestiyon ang eligibility.

Hindi rin kinumpirma sa kaugnay na isyu at itinanggi ng source kung nagbalik ba talaga sa San Beda College ang magkapatid at kambal na sina Anthony at David Semerad na napabalitang lumipat ng Ateneo de Manila at doon maglalaro matapos maghain ng residency.

Marami kasing naglabasang statement sa tweeter na nakikita ang kambal sa loob ng campus.

Hindi rin nagbigay ng anumang kumpirmasyon sa pagbabalik ng kambal sa San Beda at sa tunay nilang estado sa kasalukuyan ang mga opisyales ng kolehiyo.

Kahit si San Beda College ManCom member Jose Mari Lacson ay tikom ang bibig hinggil sa isyu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply