NDRRMC: Asahan ang malakas na ulan ngayon

NAGBABALA ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa malakas na pag-ulan lalo na sa Mindanao.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, ang pagbuhos ng ulan ay epekto ng umiiral na sama ng panahon, samahan pa ng southwest monsoon
o hanging habagat at ang pagpasok ng bagyo.

Dahil dito, pinag-iingat ni Ramos ang mga residente sa Mindanao laban sa posibleng flash flood at landslides na idudulot ng mga mararanasang pag-ulan.

Inaasahang papasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Butchoy” bago magtapos ang linggong ito.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Jori Loiz na posibleng pumasok sa Silangang bahagi ng Bicol region si “Butchoy” bukas o Biyernes, na posibleng magpalakas sa Hanging Habagat.

Sinabi ng PAGASA na patuloy silang magmo-monitor sa lagay ng panahon at may kakayahan na sila sa pagtataya nito, sa tulong na rin ng mga bagong doppler radar.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply