NDRRMC nakaalerto sa bagyong ‘Carina’

NANATILING nakataas ang red alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kabila ng pag-alis sa bansa ng bagyong Butchoy dahil sa napipintong pagpasok sa bansa ng bagyong Carina.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, ngayon pa lamang ay inutos na niya ang repositioning ng relief goods at search and rescue equipment sa ilang bahagi ng Region I na posibleng tamaan sa pagpasok ng bagyong Carina sa bansa.

Samantala, puspusan pa rin ang ginagawang operasyon ng NDRRMC sa mga naapektuhang lugar ng mga pag-ulan.

Bukod rito, patuloy rin ang search and rescue operation sa 13 pang mangingisda na nawawala sa Sarangani, isang sanggol na pasahero ng lumubog na MV Josille II sa Palawan at isang kabataan na nalunod sa Antipolo City.

Tuluyan nang nilisan ni Butchoy ang Philippine area of responsibility habang binabantayan ng PAGASA ang papasok na bagyong Carina na may international name na Talim.

Samantala, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration weather forecaster Buddy Javier, na namataan ang panibagong bagyo, 800 kilometro kanluran ng extreme North Luzon kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa 800km west of extreme ito ng Nothern Luzon, taglay ang lakas ng hanging 75 kph at bugsong umaabot sa 110 kph.

Aniya, bahagya itong kumikilos pa-hilagang silangan ngunit maaaring mapalakas ni “Carina” ang Hanging Habagat na siya namang nagpapalakas ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply