NDRRMC:5 nawawala kay bagyong Ambo

NADAGDAGAN pa ngayon ang bilang ng mga nawawala sa pananalasa ng bagyong Ambo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, na nadagdag sa kanilang listahan ng mga nawawala ang isang Richard Atulan ng Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Batay sa ulat, nadulas umano ang biktima at nahulog sa Cainta River dahilan para tangayin ito ng malakas na agos.

Una nang kinilala ng mga awtoridad ang apat pang mga nawawala na sina Rommel Largueza ng Sta. Maria, Romblon, Romarico Bermejo, Nelson Panti Jr. at Carlito Dequiros ng Pandan, Catanduanes na pawang mga mangisngisda.

Ayon kay Ramos, nakaabang ang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) at tactical

operations group, OCD, at lokal na pamahalaan sa lugar na tutulong sa rescue operations.

Samantala, hindi pa rin umano pinapayagan ng Philippine Coast Guard na makabiyahe ang

maliliit na sasakyang pandagat sa Bicol Region at Palawan.

Dagdag ni Usec. Ramos, sa ngayon ay mayroon pang 1,280 na stranded passengers sa iba’t ibang pantalan sa Region 5 at IV-B.

Samantala, lalo pang lumakas ang bagyong Ambo habang mabagal na kumikilos sa silangang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Gener Quitlong ng Pagasa forecasting center, mula sa 95 kilometro kada oras na lakas nitong Sabado, pumapalo na ito ngayon sa 105 kilometro bawat oras at may pagbugsong 135 kilometro kada oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Nakataas ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands at Calayan Islands.

Inalis naman ang babala para sa iba pang lugar matapos makalayo na ang sama ng panahon.

Bukas, ang sentro ng bagyo ay inaasahang nasa 530 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes, bago lalabas ng Philippine area of responsibility sa araw ng Martes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply