Negosyante inutas sa tabi ng pato

PATAY ang 34-anyos na negosyante nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagpapakain ng kanyang mga inaalagaang pato kahapon ng hapon sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si Esterio Jumawid, residente ng Bambang kanto ng Felix St., Barangay Sta. Ana, Taguig sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at likurang bahagi ng katawan.

Agad namang tumakas ang nag-iisang salarin na nakasuot ng maong na pantalon at naka-baseball cap.

Sa ulat ni SPO1 Rodel Abenojar kay Taguig police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario, naganap ang insidente pasado alas-2:00 ng hapon sa mismong kulungan ng mga inaalagaang pato ng biktima sa likurang bahagi ng kanyang bahay.

Bukod sa pag-aalaga ng mga pato, napag-alaman na may negosyo ring tindahan ng pintura at liquefied petroleum gas (LPG) ang biktima sa kanilang lugar. Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo sa pamamaslang habang isinasailalim pa sa pagtatanong ang kanyang mga kaanak upang matukoy kung may nakaaway sa negosyo o natatanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply