Negosyante nagbaril sa sarili sa Marikina City

NAGSASAGAWA pa ng imbestigasyon ang awtoridad para mabatid kung nagkaroon ng foul play kaugnay sa pagkakabaril ng isang negosyante na diumano’y nagbaril sa sarili kaninang umaga sa Marikina City.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:00 ng umaga nang magbaril sa sentido ang biktima na kinilalang si Conrado Danilo Arevalo, 58, contractor, residente ng Pine Street, Marikina City.

Ayon kay Jose Peralta, nurse ng Marikina Rescue, inabutan nila ang biktima na nakahandusay sa maliit na bodega malapit sa kanilang bahay at duguan.

Nadiskubre ng mga rescue team na may tama ng bala ng baril sa ulo habang duguang nakahandusay.

Agad naman isinugod sa Marikina Valley Medical Center ang negosyante at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Samantala, tumanggi magbigay ng pahayag ang kaanak nito at patuloy paring inaalam ang motibo sa likod ng pamamaril pero hindi rin isinasantabi ang anggulong may foul play na naganap sa
pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply