Negosyante nilikida sa loob ng grocery

BLANGKO pa rin ang mga awtoridad sa pagkakikilanlan ng mga suspek na responsable sa pagsalakay at pagpatay sa may ari ng isang grocery store sa lungsod ng Tacloban, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay P/Sr Insp. Darwin Morallos, team leader ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) Region 8, nakitaan nila ng sugat sa leeg ang biktima na kinilalang si Conchita del Rosario Lim, 70, negosyante at
residente ng Brgy. 52 Magallanes ng nasabing lungsod.

Pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo ng naturang krimen, matapos na mawala ang humigit kumulang P70,000 na cash sa loob ng kwarto nito.

Hinala naman ng SOCO na posibleng sa bintana dumaan ang mga salarin.

Sa ngayon, malaki pang palaisapan sa mga otoridad kung bakit walang narinig ang mga kasambahay ng biktima noong mangyari ang insidente.

Kaugany nito, isinama sa pagsisiyasat ang ilang kasamahan sa bahay ng biktima at ilang kakilala sa luagr.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply