Negosyante patay, mister kritikal sa kawatan

CABIAO, Nueva Ecija – Patay ang isang negosyanteng babae habang sugatan ang kanyang mister nang pagbabarilin sila ng dalawang kawatan na pumasok sa kanilang bahay sa Sitio Gaspar, Barangay Sta. Rita ng bayang ito, kaninang madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing ginang na si Maritess dela Cruz, 57, habang ang kanyang mister na ginagamot ngayon sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City ay nakilala naman na si Benjamin dela Cruz y Obispo, 60- taong gulang.

Nabatid sa imbestigasyon na bandang alas-12:00 ng hatinggabi, kapwa gising pa umano ang mag-asawa nang makarinig sila ng kaluskos sa biglaan at puwersahang pagpasok ng dalawang kawatan sa kanilang bahay.

Nang makita ng mag-asawa ang dalawang suspek ay pinagbabaril sila ng mga ito. Kahit tinamaan ng bala sa kanyang kanang braso at katawan ay pinilit na tumakbo palayo ni mang Benjamin habang ang asawa nito ay minalas na tinamaan ng bala sa kanyang batok na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Matapos nito ay nagawa pang tangayin ng mga kawatan ang P10,000 pera ng mag-asawa.

Nakarekober ang mga operatiba ng Scene of the Crime Operation (SOCO) sa crime scene ng walong piraso ng fired cartridge cases (FCC) ng kalibre .45; isang piraso ng FCC ng kalibre .22 at 1 live ammo ng kalibre .45.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply