Negosyante patay sa holdaper

TIGOK ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang holdaper nang tumangging ibigay ng una ang mga dalang alahas sa Caloocan City Biyernes ng umaga, Hunyo 15.

Dead on the spot si Bienvinido Austria, 59, ng Macabebe, Pampanga sanhi ng mga tama ng ulo at katawan.

Sa inilabas na ulat, dakong alas-9 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Phase 3-B, Camarin ng lungsod nang tutukan ng baril ng suspek at holdapin.

Hindi ibinigay ng biktima ang dalang belt bag na naglalaman ng mga antigong alahas at cash na P7,000 na naging dahilan upang pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek na hindi nadala ang belt bag ng biktima dahil dumadami na ang mga nakasaksi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply