Negosyante patay sa riding in tandem sa QC

NASAWI ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding in-tandem habang nagpapalinis ng kanyang sasakyan sa kanilang bahay sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ideneklarang patay ni Dr. Kris Nestor Urian ng MCU hospital ang biktima na kinilalang si David Calimposan, 40, ng no.5 Commercial Bliss, Brgy. Balan Bato, Balintawak, QC sanhi ng tinamong maraming tama ng bala sa kanyang katawan mula sa  kalibre .45 na pistola.

Ayon sa ulat ni PO1 Roldan V. Cornejo ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 4:00 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima habang ipinapalinis nito ang kanyang kotse.

Nabatid sa mga carwash boy na sina John Paul Tabuldan at Juvy Tamor na habang nililinis nila ang kotse ng biktima ay dalawang hindi kilalang lalaki ang biglang dumating sakay sa isang motorsiklo na hindi na naplakahan.

Isa sa mga suspek ang umanoy bumunot ng kalibre.45 baril bago pinutukan  ng sunod sunod sa katawan ang biktima.

Matapos masiguro na patay na ang biktima ay mabilis na humarurot palayo ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Balintawak, Edsa area.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply