New crime buster ng Manila

HINDI maikakaila na nabawasan ang mga holdaper at snatcher sa Baseco Compound nang makasagupa ng mga ito ang City Hall Public Assistance (CHAPA) na pinangungunahan ni Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr. noong Miyerkules ng tanghali.

Marami ang natuwa sa nangyari dahil ang mga napatay ay sinasabing notoryus at kilabot sa lugar na sangkot sa iba’t ibang klase ng krimen.

Ngayon, marami ang nagpapasalamat sa bago na crimebuster ng Maynila dahil unti-unti na nitong nalalansag ang mga grupo ng kilabot sa Baseco.

Malaya nang makapaglalakad ang mga residente ng Baseco dahil nabawasan na ang mga armadong kalalakihan na naglalakad sa Baseco na may sukbit na baril.

Takot nga naman ang  mararamdaman ng sinoman kung makakita ng taong may baril sa katawan. Kumbaga, pulis lang ang madalas makitaan ng baril at ito ay naka-uniporme pa.

Ayon nga kay Capt. Lorenzo, tumutugon lamang sila sa mga reklamong kanilang natatanggap alinsunod sa utos ni Manila Mayor Alfredo Lim na panatilihin ang peace and order sa lungsod.

Isang malaking accomplishment ito hindi lang para sa CHAPA kundi maging sa PNP na malansag ang mga armed group.

Hindi nagkamali si Mayor Lim na italaga si Capt. Lorenzo bilang hepe ng  CHAPA, na agad na tumutugon sa reklamo na kailangan ng publiko.

Ang tulad ni Capt. Lorenzo, ang kailangan ng Philippine National Police at Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply