Nigerian inireklamo ng pananakit

KULONG ang isang 30-anyos na Nigerian football player nang ireklamo ng isang 26-anyos na waitress dahil sa pambabastos at pananakit sa huli sa Malate, Maynila kaninang madaling araw.

Nasa kustodiya ngayon ng MPD-General Assignment Section ang suspek na si Charles Ujam, football player ng PASAGARD-FL at pansamantalang nanunuluyan sa 52 Ipil St., Mayon Quezon City dahil sa reklamo ni Haydie Lucas, waitress ng Studio 54 Sports Bar at residente ng 1161 Tramo St., Pulang Lupa Las Piñas City.

Ayon kay PO3 Henry Navarro ng MPD-GAS, dakong 4:20 ng madaling araw nang naganap ang pananakit sa loob ng Studio 54 Sports Bar sa kanto ng MH Del Pilar at Salas sts., Malate, Manila.

Sa pahayag ni Lucas, sinita umano siya ng suspek kung bakit binigyan niya ng panibagong inumin ang isa sa kanyang kaibigan dahil umano nakakadalawa na ito.

Ayon sa biktima, isa sa mga kaibigan ng Nigerian ang umorder ng inumin para sa isa pa nilang kasamahan ngunit ikinagalit ito ng suspek at sinabihan ang biktima ng “sasama ka bang makipag-sex sa kanya (sa binigyan ng inumin)?.”

Dahil dito, nagalit ang biktima at sa puntong ito ay hinatak ng suspek ang biktima sa kanang kamay na nagresulta sa pamumula at pamamaga nito.

Nabatid na regular customer nila ang suspek at madalas uminom at maglaro ng bilyar sa nasabing bar subalit madalas din umanong “nangmamaltrato” sa ilang waitress, subalit walang aniyang naglalakas-loob ng magreklamo sa kanya.

Tumanggi rin ang biktima na makipag-areglo upang turuan umano ng leksyon ang banyaga.

Kasong slight physical injuries ang isinampang kaso sa suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply