NO. 3 pusher timbog ng PDEA sa Palawan

ISANG kilabot na tulak at no. 3 sa order of battle ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang nasakote matapos mahulihan ng shabu at baril sa inilunsad na entrapment operation sa Puerto Princesa City noong  June 1, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang suspek na si Ricky Gabunia, 39 anyos ng Pardeco, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan..

Nakuha kay Gabunia ang isang sachet ng shabu habang nasa aktong iniaabot sa poseur buyer ng PDEA sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ni Director Lyndon Aspacio ng PDEA Regional Office 4B (PDEA RO4B) sa harap ng isang hotel sa Pardeco, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City .

Nakuhanan pa ng 3 sachet ng shabu si Gabunia matapos siyang kapkapan ng mga operatiba at isang kalibre .38 baril na puno ng bala , cellphone at motorsiklo na umanoy ginagamit nito sa kanyang operasyon .

Inihahanda na ng PDEA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban kay Gabunia na nakakulong ngayon sa Puerto Princesa City Police detention facility.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply