No to reclamation ng Manila Bay – Atienza

IKINAGULAT daw ng mga taga Maynila na mayroon palang  Ordinansa na inaprubahan sina Manila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno noon pang nakalipas na taon kaugnay sa reclamation ng Manila Bay .

At dahil dito ay sinabi  ni  dating  DENR Sec. Lito Atienza, na hindi siya papayag sa anumang planong reclamation sa Manila Bay at nagbanta pa ito na kung kinakailangang umabot sa korte  ang kanyang pag tutol ay kanya itong gagawin.

Nakasaad daw sa nasabing Ordinansa ay ang pagbibigay ng awtorisasyon kay Mayor Lim upang mag file ng application sa Philippine Reclamation Commission para i- reclaim ang Manila Bay.

Itinago daw nina Lim at Moreno ang  nasabing Ordinansa  dahil wala daw itong environmental impact study at public hearing at dahil isang taon na ang nakakalipas magmula ng ito ay ma aprobahan  ay pinaniniwalaang  mayroon  ng mga  nilagdaang  kontrata o bidding ang mga investors.

At mukhang nagka totoo ang hinalang iyon ng mga taga Maynila wala silang kamalay-malay dahil ini-expose ito sa media, kinagabihan naman ay nag launch si Lim sa mismong tabing dagat  kasama ang mga investors para sa isang project sa Manila Bay.

Hindi kaya naisip ni Mayor Lim na lubhang mapanganib at negatibo ang environmental reactions ng reclamations sa mga taga-Maynila dahil wala daw itong environmental consultations  at ginawang  public hearing .

At kung sakaling matuloy  umano ang nasabing proyekto ay sinabi ni Atienza na popsible umanong ang ilang bahagi ng Southern at Central Manila ay maaaring maging bagong version ng Dagat-Dagatan na parating malalim ang tubig lalo na kapag sumasapit ang tag ulan.

At dahil dito ay iba’t-ibang reaction ang nararamdaman ng mga  property owners at establishment na nasa may kahabaan ng Bay area na lubhang nangangamba sa magiging impact ng reclamation na  possibleng ikalugmok at ika-lugi ng milyung investment at negosyo sa Roxas Blvd.

Kung matutuloy ang nasabing proyekto ay lubha itong nakaka-alarma sa mga taga-Maynila dahil biruin mo namang bigla na lang tatabunan  o commercial site ang karagatan ng Manila Bay ng wala man lang konsultasyon mula sa DENR, walang environmental study at walang public hearing.

Marami ang nagtataka kung bakit itinago ang Ordinansa gayung noon pa palang Hunyo 6, 2011 ito inaprubahan ng City Council at tanging sina Mayor Lim at Vice Mayor Moreno lang daw ang nakaalam nito.

Wala pong makakasagot kung bakit nga ba itinago sa mga taga Maynila ang nasabing Ordinansa kundi sina Mayor Lim at Vice Mayor Moreno lang.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suggestions at kumento, mag text lang po sa  0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa …  lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply