Nominado sa CJ post nasa 68 na

UMABOT na sa 68 ang bilang ng mga nominado para sa pagkapunong mahistrado ng Korte Suprema.

Pinakabago sa mga inindorso para sa posisyon ay ang kilalang Constitutionalist na si Father Joaquin Bernas, Retired Court of Appeals Justice Portia Aliño-Hormachuelos, Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, Camiguin Representative Pedro Romualdo at Vincent Veloso.

Si Bernas ay miyembro ng 1986 Constitutional Commission na silang nag-draft sa Philippine Constitution.

Gayunman, si Bernas ay 79 na taong gulang na sa kasalukuyan na lagpas sa mandatory retirement age na 70.

Ang lima ay pare-parehong inirekomenda ni Atty. Nicasio Tan.

Nominado rin sa posisyon si Ed Vincent Albano na inindorso naman ni Atty. Theresa Santos-Villafuerte.

Samantala, nasa 12 na ang tumanggi sa nominasyon at pinakabago rito sina Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes at Pedro Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply