Nominasyon, aplikasyon ng CJ post, pinalawig ng JBC

TATAGAL pa hanggang sa Hulyo 2, ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa nabakanteng posisyon ng dating Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na palawigin pa ng Judicial and Bar Council (JBC) ang panahon ng nominasyon at aplikasyon ng nasabing posisyon.

Ngayong araw sana matatapos ang pagtanggap ng JBC ng aplikasyon at nominasyon ngunit dahil marami pang nagsusumite ng kanilang aplikasyon ay pinalawig pa ito hanggang sa Hulyo 2.

Umaabot na sa 29 ang nominado para sa Chief Justice post. Kabilang sa nadagdag sina SC Associate Justice Estela Perlas-Bernabe na iminungkahi ng isang Gregorio Batiller at si Prof. Soledad Cagampang na iminungkahi naman ng isang Juan Iluminado de Castro.

Samantala, inapurbahan na JBC ang hirit na live coverage sa interview ng mga nominado at aplikante sa nasabing posisyon.

Ito ang napagkasunduan sa pulong ng JBC kanina

Dahil dito, magkakaroon ng pag-amyenda ang konseho sa rules na nagbabawal ng live coverage ng nasabing interview.

Sa isyu naman ng hiling na live coverage sa botohan, muling magpupulong ang JBC sa Huwebes (Hunyo 21) para desisyunan ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply