Nominasyon bilang CJ tinanggihan ni Ochoa

TINANGGIHAN ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na mapasama sa listahan ng Judicial and Bar Council (JBC) na papalit sa inabandonang posisyon ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa isang kalatas, sinabi ng tanggapan ni Ochoa na ipinarating sa opisyal ang hangarin na maging nominado ito sa nasabing posisyon subalit agad na tinanggihan naman ng tinaguriang “Little President”.

Nakatakda namang magsumite ng kanyang formal letter si Ochoa sa JBC para iparating dito na tinanggihan niya ang nasabing nominasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply