Nominasyon nina Justice Carpio, 3 pa bilang CJ, tinutulan ng hacienda farmers

TINUTULAN ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang nominasyon sa ilang mahistrado ng Korte Suprema at iba pang mataas na opisyal para sa pagkapunong mahistrado.

Kasabay nito, isang kilos protesta ang isinagawa ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, Asosasyon ng mga Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita, at iba pang militanteng grupo sa harap ng tanggapan ng KS.

Kabilang sa kanilang tinututulan ay ang nominasyon para kina SC Sr Associate Justice Antonio Carpio, Justice Lourdes Sereno, Solicitor Gen Francis Jardaleza at BIR Commissioner Kim Henares.

Nangangamba ang mga magsasaka na kapag napasama sa shortlist ng JBC o maitalaga bilang punong mahistrado ang sinuman sa apat ay maaaring manguna ang mga ito sa pagbabaligtad ng SC decision na pabor sa Luisita farmers bilang pagtanaw ng utang na loob kay PNoy.

Iginiit ng mga ito na ayaw nila ng isang Korte Suprema na hawak sa leeg ng nakaupong Pangulo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply