Nominasyon sa CJ post tinabla ni Drilon

TULUYAN nang tinabla ni Sen. Franklin Drilon ang kanyang nominasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona na tinanggal ng Senado sa pamamagitan ng impeachment.

“I have a mandate from 15.8 million voters, so i will finish my term, I am now 67 years old, and any time I finished my term, I will be 71 year old,” ayon kay Drilon sa lingguhang Kapihan Sa Senado.

Nagpapasalamat si Drilon sa nominasyon ni Atty. Nicasio Tan, na hindi naman siya personal na kilala.

Sa ilalim ng Rules ng JBC, hindi isasailalim sa proseso ang alinmang nominasyon kapag hindi pormal na tinanggap ng nominado sa pamamagitan ng isang liham. Ngunit sa kaso ni Drilon, hindi na ito pagtutuunan ng pansin ng JBC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply