Nominasyon sa CJ post tinanggihan ni Justice Reyes

TINANGGIHAN ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes ang kanyang nominasyon para sa pagka-punong mahistrado.

Sa kanyang liham sa Judicial and Bar Council, sinabi ni Reyes na bilang isang junior member ng Korte Suprema ay ipinauubaya na niya sa mga mas senior na miyembro ang pagkakataon na maging Chief Justice.

Si Reyes ang ikalawang mahistrado na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema.

Bukod kay Reyes kabilang sa mga tumanggi sa nominasyon ay sina Justices Estela Perlas-Bernabe at Mariano Del Castillo.

Kabilang naman sa iba pang mahistrado ng Korte Suprema na nominado sa chief justice position ay sina justices Jose Perez, Lucas Bersamin, Martin Villarama, Jose Mendoza, Maria Lourdes Sereno at Roberto Abad na tumanggap na sa nominasyon sa kanila.

Ang limang pinaka-senior na Justices na awtomatikong nominado ay sina Justices Antonio Carpio, Associate Justices Presbitero Velasco, Jr., Teresita Leonardo De Castro, Diosdado Peralta at Arturo Brion na pawang tumanggap na rin sa nominasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply