Nominasyon sa CJ post tinanggihan ni Miriam

TINANGGIHAN ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang nominasyon nito sa pagiging Chief Justice ng Korte Suprema.

Bagamat interesado raw siya na maging punong mahistrado, sinabi ni Santiago na hindi niya mapapaunlakan ang nominasyon dahil mas gusto niya ang pagiging hukom sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Santiago, mas mataas ang posisyon sa ICC kumpara sa Chief Justice ng Korte Suprema bukod pa sa mas mataas din ang sweldo at mga benepisyo.

Iniiwasan din umano ng senadora na malagay sa kahihiyan ang Pangulong Aquino na nag-endorso sa kanya sa ICC post at ikinampanya siya ng Dept. of Foreign Affairs sa iba’t ibang bansa para manalo.

“Malaking kahihiyan kapag sinabi kung hindi ko na itutuloy pagkatapos na nanalo ako at ang judge sa International Criminal Court ay mas mataas pa sa mga chief justice sa kahit anong bansa at mas malaki ang sahod,” ani Santiago.

Sinabi pa ni Santiago na hinihintay pa niya na ipatawag siya sa ICC para makapagsimula ng magtrabaho.

Bukod kay Santiago, nominado na rin si Senador Franklin Drilon na inakusahang bias ng kampo ni dating Chief Justice Renato Corona sa nakalipas na impeachment trial.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na idedeklarang bakante ang isang slot sa Senado kapag nagbitiw na si Santiago sa sandaling magtungo na siya sa ICC sa The Hague, Netherlands.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply