Nominasyon sa pagka-CJ dapat tanggihan ng KKK ni PNoy

DAPAT tanggihan ng mga taong malapit sa pamilya Cojuangco at ni Pangulong Benigno Aquino III ang nominasyon bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang paniniwala ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) executive secretary Father Edu Gariguez.

Kasabay nito, hinamon pa ng CBCP official si Pangulong Aquino na magtalaga ng bagong punong mahistrado ng Supreme Court na hindi niya kaalyado upang hindi ito pagdudahan ng taumbayan.

Aminado naman si Gariguez na posibleng mabago pa ang naunang 14-0 na desisyon ng SC pabor sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita dahil may pending motion for reconsideration pa ring inihain ang pamilya Cojuangco.

“For delicadeza naman sana ay mag-inhibit itong mga taong ito na malalapit sa Pangulo at pamilya Cojuangco lalo na si Solicitor General Francis Jardeleza na abogado ni Danding Cojuangco! Magkakaroon ng pagdududa ang publiko kapag naitalaga ang mga taong ito bilang bagong CJ ng korte suprema dahil from the very start ay bias na sila,” ayon pa kay Gariguez, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Well si Senior Associate Justice (Antonio) Carpio ay medyo may tiwala pa ako. I don’t know kina BIR Commissioner Kim Henares at Associate Justice (Ma. Lourdes) Sereno. Pero sana, hamon natin kay PNoy ay huwag na siyang magtalaga ng tao sa SC na kaalyado niya para maiwasan ang pagdududa sa kanila ng publiko,” aniya pa.

Naniniwala rin ang pari na mahalaga na ang italagang Chief Justice ay taong may kredibilidad, walang bahid ng katiwalian, may takot sa Diyos, may paninindigan at may malinis na hangarin para ipatupad ang tuwid na daan sa justice system ng bansa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply