Nominasyon sa pagka-CJ, tinaggihan ni Ochoa

PORMAL na tinanggihan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang kanyang nominasyon sa pagkapunong mahistrsdo.

Sa sulat ni Ochoa na may petsang Hunyo 22, 2012 na ipinadala sa Judicial and Bar Council (JBC)  tinaggihan nito na mapasama sa listahan ng mga papalit sa inabandonang posisyon ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“The undersigned has received information that I have been nominated for the position of Chief Justice of the Supreme Court of the Republic of the Philippines. I respectfully decline the nomination,” ang nakasaad sa liham ni Ochoa.

Nauna rito, nagpalabas ng kalatas ang tanggapan ni Ochoa kung saan tiniyak nitong kinalampag din siya  na maging nominado sa nasabing posisyon subalit agad na tinanggihan naman ng tinaguriang “Little President”.

Sinabi niya magsusumite siya ng kanyang formal letter sa JBC para iparating dito na tinanggihan niya ang nasabing nominasyon at iyon nga ang kanyang ginawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply