Nominasyon sa pagka-CJ tsismis lang– BIR chief

PINASINUNGALINGAN ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares ang news reports na may plano si Pangulong Benigno Aquino III na i-nominate siya bilang Supreme Court Chief Justice.

“Hindi ko alam ‘yan… Chismis lang ‘yan.” “Marami pa akong trabaho na kailangang gawin,” pahayag ni Henares, na kilalang gun enthusiast na tulad ni Aquino.

Itinalaga ang Atenean lawyer bilang BIR Commissioner noong Agosto 2010.

Matapos ang makasaysayang impeachment kay Chief Justice Renato Corona nitong nakaraang Martes, nagkasa agad si Chief Magistrate Justice Antonio Carpio ng isang special session para sa Judicial and Bar Council (JBC) para talakayin ang nabakanteng posisyon ni Corona.

Sa pagkakaroon ng boto na 20-3, napatunayan ng Senate impeachment Court na si Corona ay guilty sa betrayal of public trust dahil sa pagpalyang ideklara ang ilang ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, at Net Worth (SALN).

Ang JBC ay ang constitutional body na naatasang magsala at magrekomenda sa Pangulo ng nominasyon sa bakanteng judicial posts.

Sa ilalim ng konstitusyon, may 90 araw ang Pangulo para magtalaga ng chief justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply