Notoryus na holdaper kumasa sa parak, tigbak

DEDO ang isang notoryus na holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa tauhan ng Manila Police District  sa Sta. Cruz, Maynila, kagabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at dibdib si Alvin Ramirez, 20-anyos.

Si Ramirez ay kilala umanong tirador ng mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1, partikular sa  Abad Santos station.

Sa report, naganap ang engkwentro sa may Rizal Avenue at Tambunting Street sa may Sta. Cruz, Maynila.

Nauna rito, hinoldap ng suspek ang isang call center agent na si Gelyn Simbulan.

Tiyempo namang may nagrorondang pulis sa lugar at nang lapitan ang suspek ay agad itong nagpaputok dahilan upang gumanti ng putok ang pulis.

Narekober mula sa suspek ang isang sumpak at mga bala.

Nabatid na labas-masok sa kulungan ang suspek dahil sa panghoholdap at kasong bagansya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply