Noynoying sa ‘Panatag’ at jueteng at krimen sa Kyusi

TAMBAK ang naganap na iba’t ibang uri ng krimen sa Quezon City nitong nakalipas na linggo.

Kasabay ng sandamakmak na problema ang paglipana rin sa nasabing lungsod ng iligal na sugal gaya ng jueteng ni Mendoza sa Novaliches (Stn. 4) at sugalan nina Joel at Alex sa Pinatubo at Westpoint, Cubao na iniulat na nakapatong kay Col. Ramon Pranada ng Station 7.

Pero sa kabila ng talamak na sugal at walang humpay na krimen sa “Kyusi,” pakuya-kuyakoy pa rin si QCPD Director C/Supt. Mar dela Vega. “He is on top of the situation” umano.

Sa tingin ko, parekoy, marami ng “situation” na naipon itong si General kaya niya nasabi ito.

At ayon sa balita ay marami pa itong “situation” na dumarating ng lingguhan dala-dala ng kanyang bagman!

Hakhakhak!

-oOo-

PURSIGIDO si PNoy sa usapin noon nang pagpapatalsik sa dating Chief Justice ng SC.

Ayon kay Corona, ito ay dahil sa naging hakbang ng Korte Suprema kontra sa Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ni PNoy.

Makatwiran, parekoy, dahil “resources” na nga naman ng pamilya ang nakasalalay rito!

Nauna rito, pursigido rin ang Pangulo sa pagpapakulong kay dating PGMA.

Alam ng bawat politiko na kung hindi madurog ng husto ang mga Arroyo ay matindi pa rin ang “clout” nila sa pulitika.

Para matupad ni PNoy ang lahat nang nais niya sa pamumulitika ay kailangan niyang gawin ang mga bagay na ito.

Ibig sabihin, sa kanyang pulitika at “resources” ng kanyang pamilya ay napakaagap ni Pangulong Aquino.

Pero tingnan ninyo, parekoy, dito sa usapin ng “Panatag Shoal” na kasalukuyan nang inookupa ng bansang Tsina ay bahala na raw si DFA Sec. Del Rosario na magsalita tungkol sa isyu.

Kulang na lang sabihin niya na usaping pambansa ‘yan at wala naman akong personal o political na mahihita riyan bakit kailangang maging pursigido ako?

Noynoying na lang muna!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply