NPA vs militar: Ilang rebelde sugatan

NAGKASAGUPA ang Front Committee 4-B ng New People’s Army (NPA) at militar kung saan ilan ang nasugatan sa panig ng rebelde sa Barangay Mat-i, Claveria, Misamis Oriental kaninang madaling araw, Hunyo 8.

Nakaengkuwentro ng 58th Infantry Battalion ang tinatayang 20 rebelde sa lugar dakong alas-tres kaninang madaling araw at tumagal hanggang alas-5:00 ng umaga.

Wala namang napaulat na namatay sa panig ng militar habang nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang pursuit operation laban sa mga tumakas na mga rebelde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply