NPA wawalisin sa Quezon Province

POSITIBO ang Philippine Army na malilinis nila ang lalawigan ng Quezon na isa sa mga lalawigan na kilalang balon ng mga rebeldeng New Peoples Army recruits sa susunod na taon.

Ayon kay Col. Eduardo Año, Commander ng Army’s 201st Brigade, target nila na malinis ang nasabing lalawigan sa insurgency at ipasa ang responsabilidad sa local government at PNP para sa kanilang security operation.

Sinsabing may nalalabi na lamang 34 NPA sa Quezon na kilalang bailiwick area ng communist group na bumababa mula sa dating 58 nitong Enero  2011.

“My goal is zero NPA by the end of 2012,” ani  Año.

Kinumpara ni Año ang kanilang operation sa Quezon sa isinagawang paglilinis ng Phil. Army noong 2009 sa Marinduque.

“We projected a zero NPA in Marinduque and we achieved that in 2009. Until now, there is no NPA in Marinduque. That is what we want to achieve in Quezon,” ani Año.

Nabataid na ang nalalabing grupo ay nas ailalim ng pamumuno ng isang Domingo Almusaria alias “Ka David.”

Sinabi pa ni Año na ang pagkamatay ni Gregorio Rosal, alyas “Ka Roger,” ang nagbigay daan para mapabiilis ang pagsugpo sa insureksyon sa nasabing lalawigan.

“The death of Ka Roger had a big effect (in the imminent fall of NPA in Quezon). The masses know him. The masses can relate with him since he did not have a high degree of educational attainment,” anang
opisyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply