NPC: Libreng panonood sa laban ni Pacquiao

MULING binuhay ng National Press Club (NPC) ang pagbibigay ng libreng panonood sa laban ni World Boxing Organization (WBO) welterweight champion at ‘pound-for-pound’ king, Manny Pacquiao, sa gaganapin nitong
laban kay Timothy Bradley ngayong Linggo.

Ayon kay NPC president Benny Antiporda, libreng mapapanood ng mga miyembro ng samahan at kanilang mga mahal sa buhay ang laban ni Pacquiao sa Plaridel Hall ng NPC ganap na 8:30 ng umaga.

“Bukod sa pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kasama at mga mahal sa buhay na muling mapanood ng libre ang laban ni Cong. Pacquiao ngayong Linggo, magandang pagkakataon din ito upang lalo pang magkaisa
at magkalapit ang mga opisyal at miyembro ng NPC,” dagdag pa ni Antiporda.

Sa unang termino ni Antiporda bilang presidente ng NPC (2008 – 2010), libreng napanood ng mga miyembro ang laban ni Pacquiao kay Ricky Hatton noong Mayo 2, 2009 at kay Miguel Cotto noong Nobyembre 24, 2009.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply