Mas pulidong serbisyo sa NPC members tiniyak

TINIYAK ni National Press Club President Benny Antiporda na mas pagbubutihin niya ang pagseserbisyo sa mga miyembro ng organisasyon bilang kapalit ng pagtitiwala sa kanya na muling iluklok sa naturang posisyon.

Ginawa ni Antiporda ang pahayag sa ginanap na kick-off ceremony para sa pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng NPC, kagabi, Hunyo 18 sa Century Park Hotel.

Ayon kay Antiporda, marami-rami na ring proyekto ang NPC tulad ng pabahay, scholarship, hospitalization, libreng gamot at kung ano-ano pa, ngunit hindi pa sapat ang mga ito.

Aniya, hindi titigil ang kanyang pamunuan hanggang hindi naiaayos ang kalagayan ng mga miyembro ng NPC.

Alam umano niya ang mahirap na kalagayan ng mga reporter at correspondent dahil siya man ay nagsimula sa mababang posisyon bago naging publisher.

Sa naturang okasyon, pinarangalan ng NPC sina Sen. Antonio Trillanes, Pasig Rep. Roman Romulo, Philippine National Police Chief General Nicanor  Bartolome, Manila Mayor Alfredo Lim, Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Margarita Juico na kinatawan ni PCSO general manager  Jose Ferdinand Rojas II, Taguig Rep. Sigfrido Tinga na kinatawan ni Councilor Michelle Gonzales; PNP spokesperson Chief Supt. Agrimero Cruz, Customs Commissioner Ruffy Biazon, Gen. Ariel Querubin, newsman/columnist Ramon Tulfo at iba pa dahil sa mga tulong na naibigay nila sa mga mamamahayag.

Hindi rin kinalimutan ng NPC na pasalamatan at parangalan ang kapatid ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na si Balsy Aquino-Cruz.

Ani Antiporda, dahil kay Mrs. Cruz, malapit nang maisakatuparan ang pabahay para sa mga mamamahayag na nagkakahalaga ng P6 milyon.

Gayunman, ibinigay ng presidential sister ang credit ng nasabing pabahay kay Antiporda dahil wala umano siyang ginawa kundi ang ipakilala ito kay National Housing Authority General Manager Atty. Chito M. Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply