NSAC: Pacquiao-Bradley fight sisiyasatin

MAKARAANG umani ng kaliwa’t kanang batikos, rerebisahin na ng  Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang laban nina People’s Champ Manny Pacquiao Timothy “Desert Storm” Bradley, kung saan naagaw ng huli ang WBO welterweight crown sa una.

Inihayag ng NSAC commissioner na si Keith Kizer sa TheRing na napagkasunduan na ng mga judge na sina CJ Ross, Duane Ford at Jerry Roth na muling suriin ang kontrobersyal na laban.

“I’ve talked with all three judges after the bout, as well as today. We’re going to review the tape of the bout because there was so much controversy, and because there was so much disagreement with the decision. Even with bouts with less controversy, judges like to review the tape anyway,” wika ni Kizer.

Ani Kizer, hihimayin nila ang bawat round na sinasabing dikit ang desisyon.

Aalamin kung bakit dalawa ang pumabor sa American boxer habang sa sa Pinoy pride.

Ilang minuto lamang matapos ang laban ay umani na ito ng batikos mula sa mga boxing analyst, ilang mga baguhan, datihan at batikang boksingero at maraming manonood hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Marami ang naniniwala na si Pacquiao ang nanalo gaya ng sinasabi ng Compu Box, na naglabas na 253 na suntok ang pinakawalan nito kontra sa 159 ni Bradley.

Isa si Top Rank CEO Bob Arumang nagsusulong ng imbestigasyon sa resulta ng naturang laban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply