Nuclear powered USS Louisville, dumaong sa Subic

DUMATING ngayong araw ang USS Louisville (SSN 724), isang nuclear-powered submarine ng Amerika,  sa Subic Bay  at tatagal ng limang araw .

Nilinaw ni Marine Col  Omar Tonsay, taga-pagsalita ng Philippine Navy, na walang direktang kaugnayan ang pagpasok ng  USS submarines sa namumuong tension sa West Philippine sea.

Ayon kay Tonsay, “ wala mission sa Phils except replenishment yun ang nasa diplomatic clearance nila e, wala silang activity involving the Philippine Navy.”

Liban sa pagiging nuclear-powered submarine, may bitbit din ang barko ng malalakas na armas tulad ng: 4 × 21 in (533 mm) bow tubes, 10 Mk48 ADCAP torpedo reloads, Tomahawk land attack missile block 3 SLCM na may range hanggang 1,700 nautical miles (3,100 km), Harpoon anti–surface ship missile na kayang umabot ng 70 nautical miles (130
km) at ang tinatawag na mine laying Mk67 mobile Mk60 captor mines.

Ang pagdaong ng USS Louisville (SSN 724) sa Subic Bay ay sa gitna na rin ng namamagitang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa isyu ng pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Noon lamang nakaraang buwan ng Mayo ay naging kontrobersyal din ang pagbisita sa bansa ng USS North Carolina (SNN-777) sa Subic Bay.

Agad na nagpaliwanag ang US Embassy na ang pagbisita ng kanilang submarine ay bahagi lamang ng routine call at replenishment ng kanilanmg mga supplies.
.
Magsasagawa umano ng replenishment ang USS Louisville at upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga crew na magkaroon ng rest and relaxation (R&R).

Agad namang nag-abiso ang Amerika na walang anumang media visit na papayagan habang nasa bansa ang submarine.

Wala ring nabanggit ang embahada ng Amerika sa kanilang statement kung hanggang kailan mananatili sa Subic Bay, na dating US military base, ang USS Louisville.

Ang USS Louisville na isang Los Angeles-class submarine, ay nagtungo na rin ng Pilipinas noon at ika-apat ito sa mga barko ng Amerika na binigyang pagkilala ang syudad ng Lousville, Kentucky.

Ito ay kinomisyon noong November 8, 1986 sa Naval Submarine base, New London, Connecticut.

Noong Enero hanggang Pebrero 1991 ay naging bahagi ito ng Operation Desert Storm.

Ginawa ng Louisville ang unang first war patrol ng isang American submarine mula noong world war II.

Ang pagpatrolya ay sa pamamagitan ng 14,000-mile submerged, high-speed transit mula Pacific Ocean, Indian Ocean hanggang Red Sea.

Noong katanghalian ng Enero 19, nagpakawala ito ng Tomahawk cruise missiles laban sa mga targets sa Iraq, para maitala umano ang unang submarine na naglunsad ng Tomahawks sa combat na siyang naging hudyat din ng pagsisimula ng operasyon na binansagang Desert Storm.

Noon namang July 1992, ang Louisville ang unang attack submarine na naging bahagi kasama ang carrier battle group sa Pacific ng Estados Unidos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply