Obispo: 2013 national budget ‘wag ipambili ng condom

NANAWAGAN si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pamahalaan na huwag gamitin ang ilang bahagi ng 2013 national budget para ipambili ng condom at contraceptive pills.

Ayon sa obispo, karaniwan o laging inilalaaan ang inilalabas na pondo sa Department of Health (DOH) sa pagbili ng condom para sa population control ng pamahalaan.

Giit ng obispo, sa halip na condom, mas mabuting ilaan na lang ang pondo sa pagpapatayo ng mga health center at libreng gamot sa mga mahihirap na tao sa mga liblib na lugar sa bansa.

Nilinaw ni Bacani na bahagi ng programa ng DOH ang population control dahil pinopondohan ito ng United Nations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply