Obispo kay PNoy: Ikonsidera ang panawagan ng mga magsasaka

NANAWAGAN si Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo kay Pangulong Benigno Aquino na ikonsidera ang pagsisikap na ginagawa ng mga magsasaka para lamang mapansin sila sa kanilang ipinaglalaban.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Lagdameo na umaasa siyang makukuha ng mga magsasaka mula sa Negros Island gayundin ang mga taga-Mindanao ang kanilang nilalayon tungkol sa repormang agraryo sa pagtungo dito sa Metro Manila .

“Ang aking panalangin para sa kanila ay hari nawa ay makuha nila sa ating kagalang-galang na Presidente Aquino ang kanilang nilalayon tungkol sa Agrarian Reform, sapagkat matagal na nila itong pinagsisikapan na matamo, kaya hari nawa yung kanilang hinihingi na at least na pagbigyan sila ng Presidente na makaharap at makapag-usap sila ay mangyari,” sabi ni Lagdameo.

Sinabi ng Obispo na matagal ng hinihingi ng mga magsasaka ang makaharap ang Pangulong Aquino nang mailahad dito ang kanilang hangarin na magkaroon ng karapatan sa lupang kanilang sinasaka.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply