Obispo: Meeting nina PNoy, Obama magpapalakas sa RH bill

NANGANGAMBA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa magiging resulta ng pakikipagpulong ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kay US President Barack Obama.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, halos natitiyak na niyang dahil sa naturang pulong ay lalong lalakas ang pagsusulong ng Reproductive Health (RH) bill sa bansa.

Hinala din ni Pabillo na may kaugnayan sa meeting nina PNoy at Obama ang pagtatapos ng Senado sa interpelasyon sa RH bill na inaasahang pagbobotohan na sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Agosto.

Sa panayam ng church-run Radio Veritas, hinimok ni Pabillo, chairman ng CBCP- National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), ang lahat ng mananampalatayang Katoliko at mga pro-lifers na maging mapagbantay at mapagmatyag sa mga grupong nagsusulong ng anti-life bill.

Sinabi ng Obispo na hindi dapat madiktahan ng ibang kultura (Amerika) ang Pilipnas para sa pagsusulong ng RH bill na magiging daan sa pagsasa-legal ng diborsiyo, same sex marriage at bentahan ng iba’t-ibang contraceptives sa bansa.

“Talagang nangangamba tayo kasi diyan, yung mga same sex marriage, divorce, contraceptives mentality, na hindi kulturang Filipino pero ipinipilit sa atin ng mga taga-labas. Pero hinahayaan ng ating gobyerno dahil may kinukuha tayong pabor sa kanila.  Alam natin na malaki ang tulak diyan ng mga taga-labas, ng mga pharmaceuticals at lalo na ang Amerika,” ani Pabillo.

Binigyang-diin pa ng Obispo na hindi dapat isulong ng Pangulong Aquino ang mga batas na sisira sa kulturang Filipino, sa moralidad ng sambayanan, at maging sa pamilya at buhay ng mga Pinoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply