Obispo: P2 trilyong budget, bantayan

BAGAMA’T kalahatian pa lamang ng taong 2012, hinimok na ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo ang publiko na bantayan ang hinihinging P2 trilyong national budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Ayon kay Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), napakalaking halaga nito kaya’t dapat matiyak ng publiko na hindi mapupunta ang naturang pera sa katiwalian.

Sa halip, dapat, aniyang, masiguro na ang naturang pondo ay mailaan sa pagtugon sa iba’t ibang problema ng bansa, partikular na sa edukasyon.

Umaasa naman ang Arsobispo na mula sa naturang budget ay maglalaan ang gobyerno ng malaking pondo sa edukasyon upang mapunan ang kakulangan ng mga paaralan sa mga silid-aralan, guro, libro at iba pa.

Bukod dito, nais din ni Lagdameo na pagkalooban ng pondo ang mga lugar sa bansa na madalas bahain sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastrakturang kontra-baha at bigyan naman ng atensyon ng pamahalaan ang paglalaan ng pondo para mai-ahon sa kahirapan ang mga mamamayan.

“Malaking pondo yan. Dapat bantayan yan ng taong bayan para tiyakin na ang pondong ito ang makaka-benipisyo ay mga tao mismo dahil galing naman yan sa tao,” ayon kay Lagdameo, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply