Obispo, pabor ikulong si GMA sa ordinaryong selda ‘pag nahatulang guilty

PABOR si Sorsogon bishop Arturo Bastes na ikulong sa ordinaryong selda si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga rep. Gloria arroyo.

Ito ay kung napatunayan o nahatulan ng guilty ang  dating Pangulo sa mga kinakaharap niyang kaso.Ayon sa obispo.

Ayon kay Bishop Bastes, walang sinasanto ang batas at dapat ipatupad ito ng patas, mayaman ka man o mahirap.

Dagdag ng obispo, kailangang tularan ng Pilipinas ang ibang mga bansa na walang pinaiiral na special treatment sa mga mayayaman o makapangyarihang nagkasala sa batas.

“Well tama lang! Dapat kung anu ang sinasaad sa batas na dapat siya makulong e makulong siya ordinaryong selda! Dapat wala tayong special treatment. Ang ibang bansa ganun. Walang special na pagtrato. Basta’t napatunayang nagkasala ka sa batas kulong ka!  Again when the final judgment is clear o verdict kay GMA ay guilty  go siya sa ordinary lock up cell,” sabi ni Bastes sa panayam ng Radyo Veritas..

Gayunpaman, nilinaw ng Obispo na hanggat hindi pa nahahatulan si GMA ay puwede na ang hospital arrest lalo pa att may iniinda pa siyang karamdaman.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply