Obispo: Politiko posibleng sangkot sa kidnapping sa Mindanao

POSIBLE umanong may kinalaman ang ilang politiko sa sunud-sunod na kidnapping incidents sa bansa, partikular sa Mindanao.

Ito ang paniniwala ni Prelatura ng Isabela De Basilan Bishop Martin Jumoad, lalo na’t madalas, aniyang, nagkakaroon ng pangingidnap kapag nalalapit na ang eleksyon sa bansa.

Ayon kay Jumoad, posibleng ginagamit ng mga politiko ang kidnapping bilang fund raising para makaipon ng pondo na gagamitin sa kanilang pangangampanya.

“That’s also my belief na kapag nalalapit na ang halalan ay may mga nagaganap na kidnapping sa bansa. Fund raising nila yan,” ani Jumoad, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kaugnay nito, nanawagan si Jumoad sa mga awtoridad na tutukan ang kidnapping incident sa bansa at papanagutin sa batas ang mga taong nasa likod nito.

Pinayuhan din ng obispo ang mga dayuhan at mga mayayamang negosyante na target ng mga kidnapper na mag-ingat at huwag basta umalis ng kanilang tahanan na walang security.

“Sana lang tutukan ito ng mga awtoridad at papanagutin nila sa batas ang mga salarin. Sana din maging maingat ang ating mga dayuhan at mga mayayamang negosyante na target ng mga masasamang elemento na ito ng ating lipunan,” dagdag pa ni Jumoad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply